Make your own free website on Tripod.com
Pambungad | Mga Segmento | Mga Ka-Pamilya Ninyo | Mga Batang EC | Ang Baul

MGA SEGMENTO

 Narito ang mga kapana-panabik at kaabang-abang na mga segmento ng programang
 
 
   ‘Gising na, Bangon na!’

 

 ULAT PANAHON – Inihahatid ng Weather Girl ng DzEC na si Kukay Tarrayo – Ulat hinggil sa magiging lagay ng panahon sa maghapon sa Kalakhang Maynila, mga karatig-lalawigan at iba pang bahagi ng bansa.

GOOD NEWS MUNA – Si Kukay din ang naghahatid nito – Ito ay mga balitang may kinalaman sa magagandang bagay, kalimitan ay mga istorya ng tagumpay ng bawat isang indibidwal o grupo, organisasyon, mga proyekto o kampanya ng gobyerno.

MGA BALITANG PANGGISING – Si Lor Tiu at Gen Subardiaga ang maririnig sa bahaging ito – Kalipunan ito ng unang bugso ng mga balita na kinapapalooban ng mga sumusunod na elemento: Ulo ng mga Balita, Detalye ng mga Balita, Metro News, Provincial News, Balitang Abroad at Balitang Sports.

PUBLIC SERVICE NA WALANG KAPARIS – Mga kaagapay ng programa mula sa Meralco, Maynilad, Manila Water at iba pang mga ehensiya para sa paghahatid ng serbisyo publiko – Iniaanunsiyo sa bahaging ito ang mga naka-talagang pagkawala o pagka-antala ng kuryente o tubig at iba pa

BALITANG KUKAY – Si Kukay uli ito – Mga balitang artista at showbizness, pero pawang katotohanan lamang at walang halong tsismis.

PRESYO PALENGKE – Inihahatid ng mga Radyo Agila Correspondents na sina Ed Mercadejas at Rober Ramiro – Pagtugaygay ng mga Agila sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa iba’t-ibang pamilihan sa Kalakhang Maynila, mga karatig lalawigan at iba pang panig ng bansa.

BAHAY-BUHAY – Si Liza Flores naman ang bida sa bahaging ito – Ito ay may kinalaman sa mga Tips sa iba’t-ibang bagay na may kinalaman sa tahanan

MGA BALITANG DUMADAGUNDONG – Ang tambalang Lor Tiu at Gen Subardiaga pa rin ang rumaratsada sa bahaging ito ng programa – Kalipunan ito ng ikalawang bugso ng mga balita na kinapapalooban ng mga sumusunod na elemento: Isa o dalawang linya mula sa mga Headlines ng mga pangunahing Diyaryo, mga malalaking balita at mga field reports.

SOCIAL BULLETIN – Si Liza Flores uli ang may-ari ng bahaging ito – Pag-aanunsiyo ng mga okasyon, pagtitipon o mahahalagang pagkakataon ng iba’t-ibang pribadong organisasyon, grupo, o gobyerno.

BALITANG KAKA – Si Liza Flores din ang humahataw sa segmentong ito ng programa – Ito ay pagbabalita ng lahat ng uri ng KAKA (kaka-iba, kaka-hanga, kaka-mangha at iba pang KAKA).

Balik sa Itaas

Lagda sa Guestbook  Tignan ang Guestbook

Makinig ng Live
dzeclogo.gif
sa DzEC Radyo Agila 1062kHz